Find Posts By Topic

Gusto ng Seattle City Light na maging handa ka kapag nawalan ng kuryente

Panahon na ng taon kung saan mula sa pagiging maliwanag at maaraw ay maaaring maging madilim at mabagyo ang lagay ng panahon sa loob lamang ng ilang minuto. Ang masamang lagay ng panahon gaya ng mga buhawi at malakas na pagbuhos ng biyebe ay maaaring magresulta sa pagkawala ng kuryente sa ating lugar. Mayroon kaming ilang tip at dulugan para sa kung paano ka makakapaghanda at paano mo mapapanatiling komportable, may kaalaman, at higit sa lahat, ligtas, ang iyong pamilya sa panahong ito.  

Maghanda ng kit
Gumawa ng paketeng magtatagal nang hindi bababa sa pitong araw. Huwag din kalimutan ang iyong mga alagang hayop! Para sa mga tip tungkol sa kung ano ang kailangan mo, bisitahin ang seattle.gov/emergency-management/prepare.

Makibalita
Tingnan ang mapa ng nawalan ng kuryente ng City Light para sa kasalukuyang impormasyon tungkol sa anumang pagkawala ng kuryente sa iyong kapitbahayan at mga kalapit na lugar. Maaari mo ring i-follow ang Seattle City Light sa Twitter o Facebook para sa mga update. 

Tiyaking mag-sign up para sa mga pang-emergency na notipikasyon sa pamamagitan ng text para sa iyong lugar.

AlertSeattle: alert.seattle.gov

Alert King County: kingcounty.gov/ALERTKingCounty

Mag-sign up para sa aming Life Support Program
Kung mayroong tao sa iyong tahanan na nakadepende sa kagamitang ito, nagbibigay kami ng tulong para tulungan kang panatilihin ang kaligtasan sa panahon ng mga planado at hindi planadong pagkawala ng kuryente sa pamamagitan ng Life Support Equipment Program (Programa sa Kagamitan para sa Pagsuporta ng Buhay). Para sa higit pang impormasyon tungkol sa programang ito at mga tip sa pamamahala ng kagamitan para sa pagsuporta ng buhay sa oras na walang kuryente, bisitahin ang seattle.gov/city-light/life-support.

Huwag kailanman gumamit ng gas o mga ihawang ginagamitan ng uling sa loob ng bahay
Sa oras ng pagkawala ng kuryente, huwag kailanman gumamit ng gas, mga ihawang ginagamitan ng uling, o mga BBQ sa loob ng bahay o sa garahe. Ang mga ibinubugang usok ay maaaring nakamamatay sa mga saradong espasyo. Maglagay ng carbon monoxide detector sa iyong bahay para maiwasan ang sakit at pagkamatay na dulot ng pagkalason mula sa carbon monoxide.

Ilayo ang mga generator sa iyong bahay
Bagama’t maaaring maging epektibo ang mga generator sa panahon ng pagkawala ng kuryente, kinakailangang maingat na gamitin ang mga ito. Palaging gumamit ng mga portable na generator sa labas sa mga lugar na maganda ang daloy ng hangin.

Lumayo sa mga bumagsak na linya ng kuryente
Lumayo sa bumagsak na linya ng kuryente nang hindi bababa sa 30 talampakan at tumawag sa 911 para iulat ito.

Suriin ang iyong mga puno
Dahil nahulog na ang karamihan sa mga dahon, napakainam na oras ngayon para suriin ang istruktura ng iyong mga puno. Tumingin sa itaas at tukuyin kung mayroong mga naputol o nabaling sanga na maaaring mahulog sa isang buhawi. Kung maaaring magdulot ang iyong mga puno ng mga problema sa kaligtasan sa mga linya ng kuryente, punan ang aming form ukol sa puno o tumawag sa (206) 386-1733.

Nakatuon ang City Light sa pagpapanumbalik ng kuryente sa aming mga customer sa lalong madaling panahon at sa pinakaligtas na paraang posible habang pinapanatiling ligtas ang aming mga tauhan. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano maghanda bago ang, sa oras ng, at pagkatapos ng pagkawala ng kuryente, bisitahin ang aming Powerlines Blog (Blog ng Powerlines).